Thursday, May 31, 2012

SURFING @ BAGASBAS BEACH

THIS IS THE MOMENT
Ang tagal ko ng gustong gawin ito.ang mag SURFING!
maliban sa na astigan ako,iniisip ko kung kaya ko bang iangat at ibalanse ang sarili ko 
tapos yung may lunod moment pa at lunok tubig dagat at
Sa wakas nagawa ko din ito
sa BAGASBAS BEACH ng Camarines Norte(9hrs travel time)
200/hr board rental add.200/hr sa inrtuctor(wag marunong need talaga ng guide)
Tara Lets go Internet Surfing
 (tignan nio kung mabagal o mabilis ang connection ko sa Alon)


 10mins orientation and then TARA KUYA GAME NA!
 wait kuya nawiwi pala ako(pero wag ka may halo ng kaba)hala ang taas ng alon noh
Ako: kuYA sigurado ka ba pang beginners lang yung waves dito?(begging na kumalma ang waves!)
(habang hinahampas ng ng alon ang mukha ko,daig ko pa sinampal ni Inay!)

 Ako:kuya ang laki nian baka humagis ako.hanapin mo ko ha! promise
(si kuya kulit na kulit na sa akin)
kuya:nasa loob pa tayo
ako:hala wala pa ba tayo sa labas?
(may ganun ganun pala)
look halos nakatayo na ako sa board kung todo hawak talaga ako  para mairaos ko ito
kung ilang litro na din ako ng tubig dagat hindi ko din alam
kung ilang beses na din ako sinampal ng malditang alon na yan
dito ko natutunan na wag na wag bibitaw! at wag na wag papalag hahaha

and then ng nakapili na si kuya ng waves na aakma para sa mga beginnerS na tulad ko
HETO RESULTA
 Kuya eto na ba yung surfing?(yabang mode) 
Ewan pero sa totoo lang ang smooth eh,ang smooth ng pagkakatayo ko
oh nagawa ko lng ng tama ang sinabi ng instructor ko,
nasa timing o swerte lang talaga ko ng mga araw na yan!
 At talaga inenjoy ko nalang sya ng bongga,,ang sarap at ang saya
 Lalo na kung long ride
 Ang saya habang naka #nganga
pag sinabi ni kuya ready,ready tlga ako at focus.(char)
at pagsinabi tayo tayo..
 According kay kuya every 10 mins daw may lalabas ng malalaking alon 3 hanggng 5 
tapos malilit na(hala may ganun ganun pala)ngayon ko lng nalaman yun hehehe ang galing
 Aba aba hinahawi pa ang board
 teka teka mabigat pala 
Kasi gusto ko magpapicture eh
 
w/ Kuya Aries  
Need talaga ito,, Ummemote :surfer eh" hahaha

Ang sarap sa pakiramdam yung nagawa mo yung bagay na gusto mo gawin bago ka tumanda!
This is more fun.,mas naenjoy ko ito kesa sa wakeboarding ko sa cwc hehehe
Sana Masundan pa bago ko pa makalimutan ang mga naituro sa akin
Waves,More fun in the Philippines!
THANK YOU LORD!

Friday, May 18, 2012

PAHIYAS FESTIVAL 2012

Colorful Kipings of Lucban Pahiyas Festival in Quezon
every May 15 nila ito cinecelebrate
first time ko umattend nito,at masaya sa mata ang mga bahay na lumahok para sa tumatagingting na 100k 
Tara libot 
w/ Donnie and Jeng (actually wala talaga ako kasama kaya naisip ko makisabit nalang isa pa perstaym ko din makipagmeet sa mga nakikilala  online) 
ako: kuya picturan ko kayo,tas picturan mo kami!
"yan ung dialogue ko pag gusto namin may picture kaming tatlo
sympre kikilitasin mo muna,mahirap na baka si kuya itakbo ang camera mo!
 SAN ISIDRO LABRADOR
 Jampak! tuesday ito akala ko alanganin araw kaya medyo konit tao! 
 Ano kaya feeling na pinagkakaguluhan bahay mo tas pipicturan pa?kaso yung bahay mo nga lang
 Tang nirrepresent ng decoration nio ung mga tao sa loob ng bahay nio? (fish tang yab u) ikaw na may collection !bihira yan mangolekta ng unggoy

 Sympre kung san madami tao sa malamang yun pinakabongga at nageffot na ka-bahayn


 Nay ikaw na naka Ipad! mga gadgets ngayon wala na pinipiling edad! paano madali nlng din naman matutunan ,tipong ipukpok mo lang sa ulo mo malalaman mo na agad
 Mga past 9 na kami nakarating sa Lucban at tomjones na kaya diresto kami sa buddy's resto,EH ito daw sikat dito eh.every order may free hat...
 (kinain namin dito for bfast famouse Longganisa ng lucban )


ang mahal pero keri na rin masarap naman 



ako> ang hirap umeksena,dami tao tsk tsk tsk..

  WEeeeh ano mahirap talaga makakuha ng walang tao,
 Itong bahay na ito ang Bet ko,nferness eto pala ang nanalo
panong hindi,ang galing talaga napakacreative at detelyado yung ginawa 

 gawa sa buto ng sampalok,mais,coffe bean munggo,
madami pang gawa na ganito,isa lang yan sa nakuhanan ko


LUCBAN CHURCH
haha nakisama ang araw,medyo umaambon kasi nung umaga
 unlimited,free w/nescafe (hulaan nio sino pinakamadami nainom?at kung nakailang round)
hindi pinalalagpas kada madadaanan iinom kami hahaha
Naghahanap ng MONEY CHANGER,magpapapalit ng dolyares si Donnie (yamaners talaga lola oh)

 It's more Fun talaga...

Kipings for only 10php
nilagayn ni ate ng asukal,mukhang masarap kasi makulay
ako: kung wala sugar yan walang ka lasa-lasa
donnie: meron naman lasa,matabang yun ang lasa
hahaha oo nga may lasa parin...



 Tinda Dito.Tinda Don. 






Ganda!
at malaki puhunan para makagawa ng mga ganitong kabusisi at kagandang gown
ang winner will get 5K,3K,2K (huh un lang?)





 Dito lang sa boylet na ito nag pa pic si Donnie
#nips
Magtatabas ng dahon!

 nastress kami dyan sa tagal kami kuhaan ni kuya! hahahaha
wala ng crop crop

ang kyot kyot ng eggy
 Sa Wakas sa huling paglilibot nakita ka din namin 001 na bahay! inferness ang effort mo sa pagdedecorate pinaghandaan talaga..
 4th floor..consolation prize na 5k..hahaha
(kung ako lang.sa inyo na 5k nio) hehehe

 

MARAMING SALAMAT DIN,sa makukulay at masayang festival Lucban 
Looking forward for the next Pahiyas Fest ..

maiba ko sa dami na napunta dito,may nakapag try na ba pumunta after? ng event
kasi ang daming tao talaga,eh hindi naman siguro nila aalisin agad agad diba?
malamang sa tagal nila pinaghandaan yun..
#matanonglang

Thank you Lord for the safe Trip
matsalam din kay Jeng and Donnie =)